Impormasyon ng mga Mananaliksik

Katrina C. Tolentino
Si Katrina C. Tolentino ay isinilang noong ika-2 ng Oktubre, 2003 sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Siya ay 21 taong gulang, at kasalukuyang naninirahan sa Purok 6, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Camarines Norte State College–Abaño Campus sa ilalim ng Kolehiyo ng Edukasyon, kung saan kinukuha niya ang kursong Batselyer ng Edukasyon Major sa Filipino mula taong 2022 hanggang sa kasalukuyan. Natapos niya ang kanyang sekondaryang edukasyon sa Camarines Norte National High School mula 2016 hanggang 2022. Bago ito, siya ay nagtapos ng elementarya sa Don Emiliano L. Pabico Elementary School mula 2011 hanggang 2016, na parehong matatagpuan sa Daet, Camarines Norte. Bilang isang mananaliksik, layunin ni Tolentino na gamitin ang kanyang kaalaman at kasanayan sa wikang Filipino upang mas mapalalim ang pag-unawa ng kapwa kabataan sa kahalagahan ng wika sa pagbubuo ng pagkakakilanlan at kultura.

Joy M. Nisola
Si Joy M. Nisola ay isinilang noong ika-3 ng Nobyembre, 2001 sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Siya ay 23 taong gulang, at kasalukuyang nag-aaral sa Camarines Norte State College–Abaño Campus sa ilalim ng Kolehiyo ng Edukasyon, kung saan kinukuha niya ang kursong Batselyer ng Edukasyon Major sa Filipino. Natapos niya ang kanyang sekondaryang edukasyon sa Camarines Norte National High School at nagpatuloy sa kolehiyo upang mas mapalalim ang kanyang kaalaman sa larangan ng edukasyon. Bilang isang mananaliksik, layunin niyang palaganapin ang kahalagahan ng lokal na kultura sa pamamagitan ng wika.